OFW Problems | Debt Trap | Mga aral at Pagsubok na dinanas

DEBT TRAP

Naniniwala kaba na kapag nagmamadali ka ay may tendency na ikaw ay mapahamak? Katulad nang isang kumunoy, na kapag lalo kang nag-pupumiglas ay mas lalo kang lulubog. 

Parang ganyan ang sinapit ko nung mga panahong bagong salta ako sa abroad. Sa kagustuhang umasenso kaagad kaliwat kanang mga maling desisyon ang nangyari. Kaya imbes na kayamanan ang naipon na uwi sa utang.

Ang Pangarap

Year  2008 nung akoy umalis nang pinas at sinubukang maki-pag sapalaran sa ibang bansa. Hindi ko alam kung ano anong mga pagsubok na kakaharapin ko dun dahil unang beses ko lang na mag-abroad.

Kagaya nang karamihan ay punong puno ako nang determinasyon, pag-asa at paniniwala na sa wakas ito na ang simula nang pagbabago sa aking buhay.

Dala dala ko ang aking pangarap, at ang sabi ko sa sarili ko, Sa loob nang 3 taon ay uuwi na ako nang pinas-na, na-ipundar ko na lahat nang aming kailangan (bahay, sasakyan, negosyo, at ipon pang education nang aming panganay)

Alam nyo anong nangyari? wala ha ha ha wala ha ha ha oh jusko. Nang dahil sa utang halos parang domino effect na isa isang bumagsak ang aking pangarap, at patuloy na lumalaki pa ang aking mga utang.


Ang Epekto

Ang pinaka maling desisyon ko ay ang pagkuha nang napaka-laking loan, na pinang-down ko sa house and lot at sasakyan, at ang iba itinabi para sana pang negosyo. Nang dahil sa kaliwat kanang bayarin dahil lahat ay hulugan, installment (bahay, sasakyan, at loan). Kaya halos lahat nang sweldo ko ay dyan na lang napupunta. Dumating na nga sa punto na kinakapos na ako dahil na rin sa biglaang mga emergency at okasyon.

Dahil dyan napilitan na akong kumuha nang credit card upang mapag-takman ang mga pagkukulang at ibang pangangailangan. At dun nga lalong lumaki ang aking utang at na-baon. May pagkakataon pa ngang kumuha ako nang additional credit card ,(5 credit card) at credit sa tao para lang ipang-bayad sa ibang utang.

Katulad nang statement na "Umutang para ipambayad sa utang". Debt trap

Dumating pa nga sa panahong nahatak na pati yung bahay at sasakyan dahil pati yun hindi ko na kayang bayaran, ang installment dahil sa dami  nang aking utang. At pati yung natabi sanang pang negosyo ay nagamit na din.

sad-optimus
walling optimum

Umabot pa nga ito sa sukdulan nang hindi na ako makabayad sa aking mga credit card. Nan-dyang araw araw kang tinatawagan nang banko, kaliwat kanang pananakot at masasakit na salita. At dahil nasa ibang bansa mas doble ang kaba at takot ang aking nararamdaman.

Minsan hindi na ako makatulog, lagi akong balisa lalo na kapag nag ri-ring ang telepono ko, minsan di na din ako maka-kain, (walang pambili at gana) at wala ka na ring mabili para sarili mo. 

Ang tanong ko nga sa sarili ko nung mga panahon na yun hangang dito lang ba ako? uuwi na lang ba ako nang bigo? paano na ang pamilya ko? makukulong naba ako?  takbuhan ko na lang kaya utang ko? Gumawa kaya ako nang masama? Sumuko na kaya ako sa buhay?

Yan ang pakiramdam nang isang tao na nasira ang pangarap at walang maipag malaki at tinatang-kilik halos parang wala nang pride o mukhang maiharap sa tao nang dahil sa utang.

Sobrang hirap na sitwasyon na sana hindi ko na maranasan muli at ninyo. 

Ang aking natutunan sa experience na ito.

1. Pananampalataya sa Diyos and trust his timing

Isang bagay ang pumasok sa isip ko nung panahon na yun, na walang problema na ibibigay sa atin ang Diyos na hindi natin kaya. Kailangan lang natin manampalataya sa Diyos, magtiis, magsumikap at mag-karoon nang firm at desi-didong desisyon, na tatapusin at haharapin ko lahat nang ito, at balang araw makakabalik ako ulit sa karera at pangarap ko.

Dahil kahit kailan hindi maitatama ang mali nang isa pang pagkakamali lalo ka lang mapapasama at lalo mo lang sisirain ang buhay mo at nang pamilya mo

Manghawak ka lang sa Diyos ako itong verse na to sa bibliya ang aking naging sandalan.

"2 Mga Taga-Corinto 12:10 RTPV05"

Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.
-----------------------------------------------------------------
2. Matuto mag leverage

Walang masama sa utang. Kailangan mo lang nang kaalaman kung pa-paano ito maging kapaki-paki-nabang sayo. Ang isang paraan ay ang leveraging.

Ano ba ang leveraging? Ehem!
Use borrowed capital for (an investment), expecting the profits made to be greater than the interest payable. Definition ayon kay oxford dictionary.

Para sa akin ang leverage ay pag papanatili na sila ang may kailangan sayo,hindi ikaw ang may kailangan sa kanila. Mas makaka-pag-demand ka at ikaw ang may upperhand sa ganyang sitwasyon.

Halimbawa nang leveraging sa loan at credit card 

- Kapag lagi mong binabayaran ang outstanding mo bago mag due date, wala silang masisingil na interest sayo (kaya wag mag overspend gamitin lang yung kaya mong bayaran in one payment) Ikaw ang nakinabang dahil kumita ka nang points na pwede mong i-redeem nang services, good, at cashback.

- Kapag may mga certain charges katulad nang annual fee atbp. Pwede mong ipa-waive ito sabihin mo lang sa kanila kapag hindi na-waive i-cancel mo na lang ang card mo, dahil laging zero ang outstanding. Pagbibigyan ka nila dahil good payer ka. Kadalasan may kapalit yan na condition which alam ko na kaya mo namang sundin.

- Alamin lahat nang services, promotion, benefits, biling cycle, at due date nang iyong credit card. Dahil maaring maka-tulong yan sa purchasing desisyon mo. Katulad nang discount, freebies, buy now pay later with zero interest atbp.

- Kung magloloan  siguraduhin na ilagay ito sa may appreciating value na maaring mahigitan ang rate nang interest, nang utang. Iwasan kaliwat kanang installment. (Wag mag loan kung ibabayad lang sa downpayment o installment) madodoble lang ang utang mo and interest.

3. Maging Desiplinado

Ito ang mahalaga tandaan mo ang kinabukasan mo ang nakasalalay dito, at hindi mo pera ang nasa credit card mo utang yan may interest. 

Wag magpadala sa mga sale timbangin mong maigi kung kailangan mo ba talagang bilhin yan o hindi.

Bago mag desisyon mag compute at mag-isip nang mabuti. Dahil sa ilang minutong desisyon, baka ilang buwan o taon na pagdurusa.


Conclusion
 
Walang masama sa utang, ang kailangan lang ay kaalaman at desiplina. Maraming mga bilyonaryong yumayaman dahil sa utang. Kapag nagpapatayo sila nang negosyo hindi naman pera nila ang ginagamit nila, kundi credit or money pulled sa kanilang investor na babayaran sa pamamagitan nang dividens or gains.

At kung ikaw naman ay nabaon sa utang maraming paraan para makalawala dyan wag ka lang mawalan nang pag-asa at kailangan determinado ka lang palagi. Tiwala sa Diyos.

Ang kagandahan kapag lugmok sagad kana sa pinaka mababa nang iyong buhay, ay walang ibang daan yan kundi pataas /.

Sa sunod na blog sasabin ko kung papaano ako naka-labas sa mga pagkakautang ko.












Comments

Popular Posts