Post-Apocalyptic theme Layover in Dubai U.A.E

last-exit


Last Exit Mad X Dubai

Itong lugar na ito bagamat na sa dulo nang Dubai o boundary nang Abudhabi ay madalas kong pasyalan dahil pakiramdam ko ay at home ako dito. Bilang isang frustrated metalheads ang vibe at music dito ay para sa akin ay nakaka relax.

Itong Mad X base sa movie na mad max na last exit ay isa sa mga serye nang mga last exit dito sa Dubai na bawat isa ay may kanya kanyang theme na instragamable worthy at syempre libre ang pagpasok dito, kahit may dala ka pang pagkain at inumin. Ako madalas may dalang isang tabong kape.

At kung wala naman dalang pagkain napapaligiran din ito nang samut-saring restaurant na pasok sa mga panlasa nang ibat-ibang tao.

Itong Mad-X na ito ay isa sa mga mamiss ko kapag ako nag for good na sa pinas someday kapag natupad ko na mga pangarap ko. Dahil itong lugar na ito ay madalas dito ako nangangarap tuwing umaga nang biyernes habang nagkakape nang isang tabo at nakikinig sa Guns and Roses at Jimi Hendrix.  



last-exit
Itong famous na emblem na kung saan nag papicture sila Angelica Panganiban at Carlo Aquino

last-exit
Malaking truck

last-exit

entrance
Arko



vehicle
Porcupine Truck

toilet
Ang Banyong na ngangain nang Tanga try nyo

Indoor-vibe
Ang tipo kong Vibe


 

Comments

Popular Posts