If you Fail to Plan, You Plan to fail

Vision Board

My Plan and Vision Board this 2022

Sabi ko dun sa una kong blog na may pamagat na"Theres a Light a the end of the tunnel" na ako'y lilikha nang plano para magkaroon ako nang guide kung papaano ko aabutin ang aking mga pangarap.

Ika nga ni sir Benjamin Franklin " If you Fail to Plan, You Plan to fail" at naniniwala ako sa kasabihan na ito. Dahil halimbawa na lang sa isang paglalakbay mahalaga ang meron plano para hindi ka mahirapan makarating sa patutunguhan mo.

Para ding yang sasabak ka sa gera nang hindi ka handa. Kaya dapat kang magplano at aralin mabuti ang mga processo, ika nga mag research. Dahil wala namang perpektong plano ayus lang magkamali charge to experience yan pero ang mahalaga dahil meron kang plano hindi ka malolose track sa mga pangarap mo. Ititweak mo lang hangang sa makuha mo tamang formula patungo sa tagumpay mo. 

Ang nakikita nyong illustration sa taas ay ang aking vision board ngyong taon. Na aking ipapaprint at ipapaskil sa harap nang aking lamesa, sa layuning makita ko ito araw araw. Upang makapag paalala at mag bigay inspiration na mag pursige at manindigan para sa aking pangarap.

Kaya kung ikaw man ay nasa parehas kong sitwasyon ngyon ay simulan mo na rin mag plano at gumawa nang vision board at excel file gawin mong mas specific lagyan mo nang target date, inventory at value para mas ma -pwersa ka masarap kasi kapag nachechekan mo yung mga nasa listahan mo.

Malay mo isang araw magkakape ako sa isang coffee shop na ikaw na pala ang may ari bibili sa supermarket na ikaw na ang amo at makikinig sa istorya mo dahil ikaw na ang nagtuturo at mapapa sana all nalang ang iba kaya kapit lang lets go...

illustration
note: hindi akin yang laptop na yan wala akong ganyan target ko din yan sa ngyon photoshop muna



  

 

Comments

Popular Posts