There's A Light at the End of the tunnel
Ang Simula sa pag abot sa ating mga Pangarap
Naninawala Ka ba sa kasabihang ito? O narinig mo na ito na sinabi sayo nang mga kaibigan mo? Ako sa pagkakataon ngayon ay ganito ang nararamdaman ko. Dahil naniniwala ako na bawat problema ay may solution ang kailangan lang ay pag tyatyaga, pasensya at wag mawawalan nang pag asa at ang pinaka mahalaga ay pananalig sa ating panginoong DIYOS.
Wala naman kasing madali sa umpisa ika ni master Rex Mendoza "There's no growth in comfort zone and there's no comfort in growth zone. Kung gusto mo talagang makawala sa kasalukuyang kinalalagyan mo na nagdudulot sayo nang sobrang pagkabalisa at stress ang kailangan mo lang gawin is to take action maninidigan at magpatuloy.
Ilang taon na rin kasi akong OFW dito sa gitnang silangan at medyo nakaka umay na rin ang paulit ulit na ikot nang buhay dito. Magsusumikap, susunod, at magiging mabait sa amo na hindi mo naman gusto, tatawa kahit wala namang nakakatawa. mag yeyes kahit labag sa kalooban at higit sa lahat gagawin mo yung utos nya na kahit alam mo na may mas madaling paraan haist.
At tanging ni look forward na lang eh uwian, weekend, at sahod na kapag dumating naman ay parang multo lang na nagparamdam o baka nga hindi pa naramdaman sa dami bills at obligation na pinaglalaan.
At kapag uwian naman ang ginagawa eh bibili nang lulutuin,magluluto, kakain manonood nang drama matutulog tapos papasok na-naman walang humpay na ikot.
Kaya nga ang tanong ko lalong lalo na sa sarili ko.Ay kailan? hangang kailan? kung di ka magdedesisyon ngyon kailan pa kapag hindi mo na kaya? tandaan mo hindi pang-habangbuhay ang trabaho natin ngayon at hindi rin unlimited ang oras natin at lalong lalo na hindi ka robot meron tayong utak, lakas at Diyos
Kaya ako sa mga pagkakataon ngayon i will take action mag seset ako nang goal at mag iiniate nang plano para makalaya sa sitwasyon ngayon at maabot ang financial freedom na aking pinapangarap.


Comments
Post a Comment